Tuesday, December 11, 2012

Photo Blog: Tunay na Kaibigan

Photo Blog - blog ng mga photos. 

Ano pa ba?! Shunga lang, te?! Hahahaha!

Super gusto ko mag-take ng pictures kahit camera phone lang gamit ko. It was just recently that I decided to take pictures of the moments of everyday. At least one picture a day. I started already mga late October or early November. I wanted to post them in a blog but I can't find a time to do it. But today is different. I really made time to post today. I cannot promise to post everyday but I will try to post ng medyo madalas. Para naman masaya. ^.^ So today was so fun that I cannot find a reason why I should not do this photo blog of today. 

I'll put a few details on every photo blog just so you would all have an idea of what happened. 

I know that not everyone cares about what happens in my life (Hahaha), pero this is what I want to do. Share happiness and share experiences! 

The highlight of my night... 

 

Prueba ng kashunga-an ng friend naming itago nating sa pangalan na Tammie



Patawad Tammie kung featured ka sa blog na 'to. Pero ang importante, napasaya mo ang madla. :)


Nag-totobits kami tonight kasama mga ilang classmates. 'Di namin expect magtatagal kami dun. Nababad sa kwentuhan e. Nung paalis na... AYUN! Si atching Tammie gumawa ng eksena!

Ano daw ba talaga ang nangyari bakit siya nadapa at nakipagkaisang-loob sa lupa?

Eto daw...

Sabay-sabay kami naglakad palabas sa mabatong lugar ng totobits. Tapos si Tammie daw e may sasabihin sa isa naming friend na itago natin sa pangalang, Joanna. Lumingon sa likod si Tammie dahil nasa likod niya si Joanna. Ayun! BOOM! 'Di nakita ni Tammie mga bato sa nilalakaran at gumawa ng eksena! 

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!

GULAT KAMI NO?!

At siyempre... ano ba'ng gagawin ng isang TUNAY na kaibigan kapag ganun ang nangyari? True Friends nga 'di ba? Ediii... TUMAWA HANGGANG SUMAKIT ANG TIYAN! Tipong gusto mo talaga siya tulungan e kaso 'di mo magawa kasi ang sakit na nga ng tiyan mo, naubusan ka na ng lakas at nanghihina ka na sa kakatawa kaya hindi mo siya matulungang tumayo! 

Sabi nga ng isa naming friend na itago na rin natin sa pangalang, Aldrin:

"Totoo pala na nakakaSAKIT ng tiyan ang Totobits, ang sakit ng tiyan ko sa kakatawa nang dahil sa nangyari. HAHAHA! 
:D"

Totoong-totoo ang bali-balitang nakaka-sakit ng tiyan sa totobits! Based from experience na yan. 

So next time na magtotobits, INGAT HA! :)
Sumakit din kasi talaga tiyan ko e... sa kakatawa! 

Nga pala, para sa kabigan naming si Tammie:

Tammie

Linisin mo na yang sugat mo. Bago pa magka-impeksyon yan. Sana nakatulong din yung paglagay ng alcohol ni Joanna sa sugat mo ng 'di mo namamalayan  habang nagkkwento ka. Alam kasi namin ayaw mo ng alcohol sa sugat mo kaya tumayming na lang kami sa pagkkwento mo. Labyu. ♥

With love,
True Friends :)



O siya... sa next photo blog na lang ulit!



Pahabol...

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!

Tae. 'Di ako makamove-on. =))))))))



#December112012LadyMamaGerryDingAldrinJoannaTinTammie

1 comment:

  1. nakalimutan mo yung pag hawak sa pwet ni Joanna kay Tammie kaya lumingon ata si Tammie..haha

    ReplyDelete