Tuesday, December 11, 2012

Photo Blog: Tunay na Kaibigan

Photo Blog - blog ng mga photos. 

Ano pa ba?! Shunga lang, te?! Hahahaha!

Super gusto ko mag-take ng pictures kahit camera phone lang gamit ko. It was just recently that I decided to take pictures of the moments of everyday. At least one picture a day. I started already mga late October or early November. I wanted to post them in a blog but I can't find a time to do it. But today is different. I really made time to post today. I cannot promise to post everyday but I will try to post ng medyo madalas. Para naman masaya. ^.^ So today was so fun that I cannot find a reason why I should not do this photo blog of today. 

I'll put a few details on every photo blog just so you would all have an idea of what happened. 

I know that not everyone cares about what happens in my life (Hahaha), pero this is what I want to do. Share happiness and share experiences! 

The highlight of my night... 

 

Prueba ng kashunga-an ng friend naming itago nating sa pangalan na Tammie



Patawad Tammie kung featured ka sa blog na 'to. Pero ang importante, napasaya mo ang madla. :)


Nag-totobits kami tonight kasama mga ilang classmates. 'Di namin expect magtatagal kami dun. Nababad sa kwentuhan e. Nung paalis na... AYUN! Si atching Tammie gumawa ng eksena!

Ano daw ba talaga ang nangyari bakit siya nadapa at nakipagkaisang-loob sa lupa?

Eto daw...

Sabay-sabay kami naglakad palabas sa mabatong lugar ng totobits. Tapos si Tammie daw e may sasabihin sa isa naming friend na itago natin sa pangalang, Joanna. Lumingon sa likod si Tammie dahil nasa likod niya si Joanna. Ayun! BOOM! 'Di nakita ni Tammie mga bato sa nilalakaran at gumawa ng eksena! 

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!

GULAT KAMI NO?!

At siyempre... ano ba'ng gagawin ng isang TUNAY na kaibigan kapag ganun ang nangyari? True Friends nga 'di ba? Ediii... TUMAWA HANGGANG SUMAKIT ANG TIYAN! Tipong gusto mo talaga siya tulungan e kaso 'di mo magawa kasi ang sakit na nga ng tiyan mo, naubusan ka na ng lakas at nanghihina ka na sa kakatawa kaya hindi mo siya matulungang tumayo! 

Sabi nga ng isa naming friend na itago na rin natin sa pangalang, Aldrin:

"Totoo pala na nakakaSAKIT ng tiyan ang Totobits, ang sakit ng tiyan ko sa kakatawa nang dahil sa nangyari. HAHAHA! 
:D"

Totoong-totoo ang bali-balitang nakaka-sakit ng tiyan sa totobits! Based from experience na yan. 

So next time na magtotobits, INGAT HA! :)
Sumakit din kasi talaga tiyan ko e... sa kakatawa! 

Nga pala, para sa kabigan naming si Tammie:

Tammie

Linisin mo na yang sugat mo. Bago pa magka-impeksyon yan. Sana nakatulong din yung paglagay ng alcohol ni Joanna sa sugat mo ng 'di mo namamalayan  habang nagkkwento ka. Alam kasi namin ayaw mo ng alcohol sa sugat mo kaya tumayming na lang kami sa pagkkwento mo. Labyu. ♥

With love,
True Friends :)



O siya... sa next photo blog na lang ulit!



Pahabol...

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!

Tae. 'Di ako makamove-on. =))))))))



#December112012LadyMamaGerryDingAldrinJoannaTinTammie

Thursday, December 06, 2012

Playtime with F431

Just a normal day... 

KUNG may pasok ng Advanced Accounting 3!

E kaso wala e. Edi abnormal day today! Party-party lang naman sa room. 

Super bored while waiting that we started to play some games we used to play as kids with a "rope" sana, e kaso, sinulid lang ang meron kami. 

10-20, Chinese Garter and Limbo Rock it is, baby!

Flexi's and not so flexi's doing the Limbo Rock









Alang girl/boy-girl/boy! Anyone is pwede to join!  

Super laughtrip moment! ^.^

#December062012FUNF431

I'm back and I'm FANgirling

HELLO sa akin and hello naman sa mga "readers!" Kung meron man. Hihi Oh well, ngayon lang ako nag-blog ulit. Ang saya lang!

Nag-stop ako mag-blog sa kadahilanang... WALA na akong inspirasyon para sumulat pang muli. Ansabeh?! Pero hindi. Tinamad ako. Honestly. Di naman kasi talaga ako writer or blogger. Kaya minsan nahihirapan ako i-explain into words kung gaano ako ka-saya, gaano ako kalungkot, gaano ka-excited, gaano ka-heartbroken and many mores! Past time ko lang talaga 'to, kumbaga. Minsan talaga, bet ko rin magsulat-sulat tsaka magfeeling-feeling na magaling ako sumulat or mag-blog kaya ayan, feeler-feeler writer din. 

ANYWAY... 

Buti nag-blog ako ulit? 

BEKOZ... na-realize ko, ang dami na nangyari sa buhay ko na masaya, malungkots, nakakakilig, nakaka-umay, nakaka-inis-OMG-gusto-ko-manakal-ng-giraffe and many more na gusto ko malaman din ng ibang tao kung ano mga experiences kong yun. LALO na, may lessons, 'te! (O ha! Free tutorial!) Aaaannnddd... ewan. Para 'pag minsan na gusto kong balikan yun mga happenings dati, hindi lang pictures na full of memories ang mababalikan ko meron pang bonus na description or kwentong pagkahaba-haba na parang magttime travel ako pabalik sa mga moments na yon. 

So ngayon... may nangyari... 
MASAYA 'to!

FANgirling ako today! 

At kanino naman? 
Kanino pa?! 
Edi kay... KZ Tandingan!

KZ Tandingan, 1st XFactor Philippines Champion

SUPER unique ng boses! Imported ang boses! IBAAAA! 
Alam mo yon? 
Kung maka ♪♫barum-dara-dum-dum... da-da-daruuuummm... da-ooohhh!
OMG. It leaves you: NGA-NGA :O

Sabi pa niya nung XFACTOR PH dati: "Hindi lang biritero't biritera ang pwede sumali sa mga singing contest!"
Sabay sagot ako ng: "OO NGAAAAAA!!!" 

Soooo... super inspired ako sa kaniya. Nakaka-kanta din naman ako, kaso nga lang di birit. Kaya, nahanap ko na ang tamang inspiration para sa akin. 


Super inspired ako na makapag-perform and maka-kanta na gusto kong sumali sa singing event namin sa school this coming university days!

Sure na ba ako? 

Sure na. 
Mag-auditions na ako. 
Try lang naman e. 

Nag-message ako sa isang council na sabihan ako 'pag may auditions na. 
Tinext ako! Mag-prepare daw within this week. (Pero mga last-last week pa yun) Hala, sige! Practice ako sa bahay. Concert-concert din. Titanium by David Guetta ft. Sia tsaka sariling version ko ng Breakeven by The Script with guitars. Feeling-feeling, sige! Hinintay ko auditions... 

Tagal...

Nainip na ako... 

Bumaba na level ng interest ko mag-auditions...

Tapos... biglang nag-text president namin (Tammiebear! Special mention! Haha) Sinabihan daw siya nung council na next week monday, mag-prepare na talaga. Kahit isang song lang. 

Pero ako... wala na... 'di na excited. 

Inupdate ko status ko sa FB and Twitter: I need inspiration.
Walang smiley yon. Para feel na feel ng madla ang pangungulila ko sa inspirasyon. May mga nag-like. May mga nag-retweet. Pero di pa rin ako inspired. 

Di ko alam pero bigla ako nag-tweet kay idol, KZ Tandingan.

Sabi ko: Dear , I need youuuuuu. I need some inspiration. Huhuhu I will be singing on Monday and parang 'di ako reydiiii. :( 

Tapos wala na. Yun lang. 

Nang biglang: 


O.O

Nag-reply siya sa tweet ko. Agad-agad. 
ANO?
Nag-reply siya sa tweet ko? Agad-agad? 

Refresh... Refresh... Refresh... 

Nag-reply nga siya.
Nag-reply nga siya.
NAG-REPLY NGA SIYA!!!

'Di ko magalaw mga kamay ko. Gusto ko pa-thank you pero di ako makapag-type! OA na ba ako?! E sadiyang di ko expect e! NKKLK! Naiiyak ako kanina. Alam mo yon? *TEARS!

ORAYT! INSPIRED NA INSPIRED na ako!!!

Sobrang speechless ko pero nagpa-THANK YOU pa rin ako. ANG SAYA ko. SOBRA!

Thank you, KZ Tandingan! ♥

Pagkatapos kong mabasa yon, lumabas ako ng kwarto tapos kumanta ng audition piece ko na Titanium! O HAAA! Inspired!


Ngayon... nag-ppray ako na sana makapasa sa auditions. Kung hindi man, ok lang, first time ko pa lang naman e. Ok lang kahit may flaws. Pero kung makapasa, edi mas OK! Haha!

SANA. SANA. SANA. Mag-ppractice talaga ako and gagawin ko best ko. Pangarap ko 'to! Sarap yata nung nagiging totoo na yung, "Living the dream!"


Sooo... ayon. Ang saya ko lang! Napa-balik ako ni KZ sa pag-bblog! Infareness! Hahaha Salamat talaga, KZ! :)

Prayers and support para sa akiiiiiinn sa auditions this coming MONDAY (December 10, 2012)! 
Good luck and God bless!


:)
#inspired