Sunday, December 25, 2011

Pumpuso-puso-puso

December.
Buwan ng mga puso, extended?
Akala ko tuwing February lang 'yun e.
Infareness naman talaga sa mga tao every December parang sobrang nangingibabaw talaga yung LOVE sa puso nila.

Hameyzhing!

  • Ang dami kong na-witness na naging mag-boyfriend/girlfriend ngayong month ng December. 



('Di ko mahanap yung mga ibang relationship status!)


Grabe. Sobrang Kakiligan 'to! :""""""> 



  • Ang dami kong na-kita na mga lalaki na lumakas ang loob magtanong sa nililigawan nila kung pwede na ba nilang maging girlfriend si girl. (Naalala ko tuloy yung flashmob sa McDo, the best yun! :">)
  • Ang dami kong friends na kung magkwento tungkol sa crush nila parang wala talaga silang karibal dun sa crush nilang yun. 


Congrats sa mga taong in a relationship!



Nakakatuwa. Parang love, love, love na lang ang umiikot sa isip ng mga tao kapag December.

Alam natin na JESUS IS THE REASON FOR THE SEASON peroooo... ang dami talagang pumpuso e! 'Di ako maka-move on.

Siguro nga tuwag-tuwa si Lord sa mga nagaganap tuwing December no? Ang dami kasing hearts na nagliliparan sa paligid!

Tipong, love is in the air, breath in... breath out.

Ako? Kailaaaaaan? 
*Forever alone*
Haha Joke!

Ba, minsan ka-emo din no, pero I choose happiness e!
Choice 'yun.
Sinong hindi matutuwa sa dami ng pagkaing nakalapag sa mesa tuwing December?!


Seryoso. Masaya tuwing December.

Ang daming random events na hindi mo expect na mangyayari.

Events na super memorable.
Kung may sariling camera lang talaga ako, gagawa ako ng photo blog para sa mga events na yun!

Dati pa, December na 'yung pinakamemorable na month sa akin.

Lalo na ngayong December 2011, super duper mega over over ultra kaboom boom pow memorable ang month na 'to sa akin. :">


Ang daming nangyayaring maganda sa buhay ko na kulang pa yung 9 na Simbang Gabi para pasalamatan si Lord dun.


I can say, December is love.


"And how I wish, this strong spirit of love runs throughout the whole year kahit hindi December."

Ang saya siguro nun 'di ba?
Every month, buwan ng mga puso.
Tapos daming gifts! Haha


Sa'yo? Anong month?
December din ba?

PUMUPUSO KA NO?!

:)

Enjoy the holidays!
Love. Love. Love.





*Credits sa owners ng mga ibang pictures na ginamit ko. :)

Ikaw at Ako

I:  Ui!
A: Oow?
I:  Goodluck! :)
A: Yun lang?
I:  Oo. Ui, sige. Late na akong talaga. Bye!
A: Sige. -________-

...after 30 seconds.

A: Eeeeehhhhh!!! :""""""""""""""">


*Lahat na ng kakiligan sa mundo.*


I guess you are worth his time. Kahit gaano pa siya ka-late talagang dinaanan ka pa niya sa room niyo para sabihan lang ng goodluck! Lucky girl. :)

and uhh... sweet guy!

TRUE. It's the little things that mean the most.
It just a matter of appreciation.


 :"> Pumupusoooooo.

Filipinos drink OCCASSIONALLY. :)


Tumpak. Filipinos drink occassionally talaga. 


Occassions like:


-birthdays
-Christmas parties
-new year
-anniversaries
-monthsaries
-weeksaries
-cool off sa gf/bf party
-break up with gf/bf party
-victory party
-losers party
-all saints' day
-national heroes day
-rizal day
-fiesta
-emo party
-before the exam party
-after the exam party
-bumagsak sa exam party
-absent ang prof party
-broken hearted drinking party
-pampalipas oras party
-gusto lang maglasing party
-yayaan lang bigla party


at minsan...


-bagyo party


O di ba? Party! Party!


:)




Na-receive ko as text message sa isa kong classmate sa A334. 
Mama Ronald, ikaw yun. 
Grabe. Sobrang na-miss ko A334 dahil sa message na yan. :)





Wednesday, November 09, 2011

Pers Day

Kung may pers(first) sa blog, siyempre may pers(first) din sa school. 


Okay... pinapakinggan ko yung Sana by Up Dharma Down ngayon. Emo daw ako kunwari. Para makapag-isip-isip naman ako ng maayos. Actually, 'di ko alam paano ko gagawin 'tong blog na entry na 'to kasi sobrang mixed ang emotions ko ngayon. Masaya, malungkot, heksayted, worried... madami. Sa sobrang kakaisip sumakit na ulo ko. 'Di ko na kineri at napa-blog na ako. 


Magkekwento me huhhh? :)


Game? Game.

HEKSAYTED muna.

November 19, 2011. May tryouts na daw for volleyball para sa University Days namin. Heksayted na ako! Sana champion CBA. Haha! Tapos ako yung MVP! Sabay kanta ng: "Libre lang mangarap... walang hanggan na paghiling.." O kaya: "Himalaaaaaaaaa.. Kasalanan ba'ng humingi ako sa langit ng isang himala?" :))

Grabe. 'Di pa nga ako natatanggap kung makahiling na ako, wagas. Pero basta, kung sino man nagbabasa nito... kung sakali, nood ka ha? Bigay mo sa akin cellphone number mo, text ko schedule ng mga games namin. Ipaghanda mo na kami ng isang matinding cheer para ganahan kami maglaro. Thank you! I love you! <3

Sobrang excited na ako diyan. Sobra. :)


WORRIED naman?

Iniisip ko sino mga prof namin sa bago naming section.
Makasurvive kaya kami ng halos 18 lang kami na block na students talaga at yung iba irreg na sa section naming A337?
May ayaw kumausap sa akin. Sikret na lang yownsz. :)
May activities na gusto kong salihan pero iniisip ko baka mag-conflict yung mga yun.
'Di ko alam paano ko gagawin or tatapusin ang blog na 'to. Ilang beses na akong nagstart ng draft.

Whew. Breath in... breath out...


MASAYA naman! Yayness! ^______^


Tapos na nga ang 'di-ko-mawari-kung-nag-enjoy-ba-ako semestral break 2011 and pers day kanina ng 2nd semester 2011.

November 9, 2011
Wednesday
2:30PM

Anong komosiyon ito?! Nagpapalipat kami sa A337.

Kasi, mas okay yung schedule kaysa sa schedule namin sa A334.
Kasi, yung mga iba naming kasama lumipat na dun sa A337.
Kasi, iniisip namin yung mga iba naming mga kasama na nalipat wala silang kasama sa mga bago nilang sections.


Nawalan na kami ng pag-asa para makalipat e! Pero, milagro!

Biglang sabi ni dean: Sige, bubuksan ko na yung A337.

At halos lahat kami na gustong lumipat sa section na yun ay napa-amazing! 'Di nga lang sabay-sabay. Ang weird naman kung sabay-sabay. -___-

First time ko magkaron ng registration form na kulay yellow o:



Bet ba? Amazing. :) Well, successfully enrolled! Ulit. From A334 to A337.

At dahil halos kabubukas lang din ng section na A337, wala pa kaming mga prof! Kami na! Wala kaming pasok kanina. At dahil don:

  • Nakapagsit-in yung mga iba naming kasama sa dati naming section, A334. 
  • Nakalibot kami sa napakaganda naming school.
  • Nakapag-kwentuhan kami ng bonggang bongga ni Ding (True Friend) kasi kanina lang kami ulit nagkita pagkatapos ng sembreak. 
  • Marami kaming naka-kwentuhan ngayong araw na 'to. 
  • Naki-usap sa mga prof na sana kunin nila yung section naming A337 kasi kawawa naman kami wala pa kaming prof. 
  • Nakapag-pictorial and kwentuhan nanaman sa may piazza. 
  • Nagtakutan din kasi madilim na nun. 
  • Marami ring new friends. 
  • Nakasama namin si Luis(Dhorlengxsz/fishballs) ng buong gabi. Na once in a blue moon mangyari. 


Masaya. Maraming masaya na nangyari kasi nga wala pa kaming pasok. Mag-sstart pa lang class namin ng Friday kasi baka ngayong Thursday wala pa rin kaming mga prof.

Seryoso. Masaya. Masaya talaga. :)


Pero wait! 'Di naman talaga buong araw masaya e. Naging MALUNGKOT din 'tong araw na 'to. Nakaka-emo. /wrist

Nakalipat kami from A334 to A337.


Maraming reasons bakit gusto naming lumipat... pero kahit marami kaming reasons iniisip pa rin namin yung mga iiwanan namin sa A334, yung original naming section.

Yung feeling na: gusto mo, pero ayaw mo.

Magulo e. Nung nasa may tapat kami ng dean's office para magpalipat, parang tanggap na namin na hindi kami makakalipat kasi kung makalipat kami ng ibang section, wagas! Ang dami kaya namin. Baka umusok lang ulo ni dean tulad ni Majin Boo kapag sinabi naming lilipat kaming lahat. Pero, 'di ko alam bigla na lang sinabi ni dean na bubuksan na niya yung section na A337. PARTEH nga nung nalaman namin yun! Pero habang nasa STL101 kami kung saan nagpapa-input ng subjects, nandun yung mga tanong na:

"Sigurado kayo?"
"Mamimiss ko sila."
"Ako din."
"Pota bala da, e ta la man inisip."
"Isang text lang naman, andun na tayo sa shot place e!"
"Mamimiss ko sila talaga."
"Magtampu la kaniyan. Feeling ku na lang kasakit lub kekatamu."
"Ala ta ng source kaniyan."
"Uy, seryoso na ba talaga 'to?"

Nanghihinayang... nanghihinayang ang puso ko... seryoso. 'Di madaling iwan mga dating classmates sa A334. Nakakaiyak!!! Literal! ( Ang emo natin, A334. Talaga man. :)) )

Nakikita pa lang inamin tsura nila nung nalaman nilang 'di na kami magkakaklase, sobrang nalulungkot na kami. Mamimiss namin sila.

After school nga nagpunta sila ng Camalig, sumunod kami. Pero nung andun na kami, ang awkward ng feeling. May tension. May kalungkutan! Ang emo talaga. Grabe. Tampu-tampu talaga.

Pero gayunpaman (wow!), malungkot pa rin e! Ajujuju
Magiging okay din. Masasanay din.
Ang emo talaga. Kahit pano ko isipin.

Ikaw reader, ang emo namin no? Ipagpatawad mo.
Ganiyan lang talaga namin kamahal ang isa't-isa.
:">



Para sa A334:


Alam ko magiging MASAYA naman e!
Deserve natin maging MASAYA!
Anubeeeee? 
'Wag tayong EMOticon. 
Tumtibay lang tayo niyan. 
Magkikita pa rin tayo sa school! 
*hug*hug*beso*beso*
We will all keep in touch naman. ;)
Labyu A334. 


---galing sa aming lahat. 

P.S. Text text namu king source ne? Text text namu rin 'pag mag-shot! <3

“We all take different paths in life, but no matter where we go, we take a little of each other everyhwere.”

-Tim McGraw





Salamat sa pictures Shane & Jen. :)


At the end of the day, lahat ng naging decisions natin kailangan nating panindigan. May purpose bakit nangyari ang nangyari ngayon. Actually, ang purpose namin ay, simple, magpa-miss! Kidding! Whatever it is, I bet it's for the best. God's will nga daw :))))


Habang tumatagal ang pag-katak ko sa blog na 'to, ah este, diary. Ano nga ba? Parang kasing gumawa talaga ko ng entry para sa isang diary e. Pero going back... habang nasasabi ko na nga yung naffeel ko parang gumagaan pakiramdam ko. Kasi alam ko, binabasa mo 'to ngayon e! Kinikilig naman ako sa'yo! Thank you sa pagbabasa mo ha. Labyu. :)

Ikaw din ha! Whatever decisions you make in life, panindigan mo yan! Tapos, PRAY na everything will fall in their right places kahit minsan parang feeling mo mali ang naging decision mo.


Yan ang naging Pers Day ko ngayong second semester.
Parang Roller Coaster ride kaagad.
Bow.


#ekasidikomapigilanibinlogkona

Tuesday, November 01, 2011

Peyborit ko sa November 1

Sandali lang 'tong entry na 'to...
Nais ko lamang ibahagi ang peyborit part ko tuwing November 1.

Eto...


Peyborit part ko ng November 1 yung nagtitirik ng kandila sa tapat ng bahay namin. 'Di ko alam bakit. Basta gusto ko kahit isa lang dun sa mga kandilang yun ako yung naglagay. :)

"This became a Filipino tradition so that the souls of the departed can see that they are remembered." -Anonymous Blogger 

I always pray kapag naglalagay na kami ng kandila. I actually talk to lola and tell her na bantayan niya kami everyday and na sana lagi kaming safe. 

'Di ko man ata naka-usap si lola ko talaga kasi bata pa ako nung sinundo na siya ni Lord kaya feeling ko kapag nagsisindi ako ng kandila sa tapat namin nagiging way yun para maka-usap ko siya kahit papano.

Nababaliw na ba ako? hahaha :))) 

Anyway, I've said that sandali lang itong entry na 'to. 
That's it for now!

Let's all pray for our departed that their souls may rest in peace.
God bless!


#seriousmunangayon 



Thursday, October 27, 2011

Yung Papi ni J. Lo


Ok lang ba kung hangarin ko na sana kasing HAAAAAAAAAAAAWWWWWTTTT at GALIIIIIIIINNNNNGGG ko si Jenniffer Lopez? :'>

'Di ako ganun ka-girly pero... ang galing kasi niya e! Rrrr. :)


"Move your body, move your body, dance for your papi...
Rock your body, rock your body, dance for your papi...
Put your hands up in the air
Dance for your man if you care
Put your hands up in the air, air, air..."


*Seryoso. Napapa-indak ako 'pag naririnig ko 'to.*
Try mo pakinggan. hihi



#nangarapnanamanako

Tuesday, October 25, 2011

Kasabihan Ko

           



So... tungkol saan ba 'tong Kasabihan Ko blog? Well, unang-una, tungkol siya sa mga kasabihan ko nga. Alangan namang kasabihan mo di ba? haha joke lang. Pis. :)


Kasabihan Ko. Parang ganito na nga yung nasa TRIVIA ko sa una kong blog nung nagpapakilala pa ako. 






Eto, eto... ipapa-alala ko sa'yo:








Naalala mo na ba? Good. :)


Madalas nga yung mga naiisip kong yun, nasa phone ko lang. Ngayon, ilalagay ko na sila sa twitter ko and dito sa blog ko. 


Pero minsan, baka hindi ko na ilalagay. Lalo na pag english! Nakakahiya naman. Baka wrong gramming pa. Pero ittry ko talaga ung best ko para ilagay sila dito. 


Game na?


Nakasunod na ba sa flow ng topic ko na Kasabihan ko? 


Game. 




Kanina! May naisip na ako. Una kong nilagay sa twitter.



People who make you feel that your goals and dreams in life are never too far away.  :">

(O ha... pinost ko na. Feeling ko tama naman yung grammar e. Keri na yan.)
May mga tao na sa simpleng ways nila hindi nila napapansin na-eencourage na pala nila tayo. Minsan, or should I say, madalas, ang dami nating pangarap tapos wala tayong idea paano matupad or maabot yun kasi parang napaka-imposible ata? Grabe naman kasi tayo mangarap e! Pero ganiyan talaga... libre mangarap. Na-abuso ko na nga ata yung libreng yun e. haha :))

Pero kahit gaano tayo ka-grabe mag-imagine ng mga sarili natin na sobrang successful na natin sa future, na sobrang gwapo/ganda ng napangasawa mo, na artista ka na (ikaw na! :D), na president ka na ng Philippines, na sobrang bilis mo na magbukas ng bote ng Red Horse naisali ka sa Guinness World Book of Records, once na may nagsabi lang sa'yo na "KAYA MO YAN!" o kaya "I BELIEVE IN YOU!", parang unti-unting lumalapit sa'yo yung pangarap mong yun. 

Kahit isang tao lang, as in one, na naniwala sa kakayahan mo, napapa-go sago ka na to reach your dreams.

Na-experience mo na yun? Ako kasi.. yuffffffsssedd! 

Yung mga taong yun dapat pinapasalamatan e! 

MARAMING SALAMAT!!! ^_____________^

Kasi, ignore them or not, they will always be the same people that keeps you going on through life. :)

Tama ba? 

Ahummm... may bigla ka atang naisip na tao that keeps you going through life? Kaw ha. GO! Magpa-thank you ka sa kaniya! Pagkasabi mo nun... balikan mo 'tong blog ko. 'Di mo pa tapos basahin e. hahaha

O ayun. Nasabi mo na? Nice. 

Ang simple lang ng sinabi or ginawa niya pero biglang lumakas ung apoy diyan sa puso mo para ma-reach mo talaga yung dream o goal na yun no? 

Unti-unti... lumalapit... lumalapit... ayan na... you're closer to the finish line, baby! 


"... kaya mo yan!"

"I believe in you!"

"Sus! Ikaw pa?! Keri yan!"


O. Go ka na! Pinupush ka na nila o. Lakad na.

Baka naman kasi na-encourage ka lang pero you're still afraid to take a step. Don't worry. Andiyan lang sila sa likod mo o. Wala na sila boses sa kaka-cheer para sa'yo! :))

Along your way... may ma-mimit ka rin na kailangan yang encouragement mo. Sabihan mo din siya, ha? 'Wag kang selfish. Sarap kaya ng feeling ng pinag-chicheer! 

Ipasa mo sa kaniya ung feeling na na-feel mo nung ginanahan kang abutin ang mga panagarap mo. :)

Okay?






Uy... nga pala... "Kung ano man yan, kaya mo yan no! Ikaw pa?!"




#ekasinagsabisabiako

Sunday, October 23, 2011

PERS (First).

Pers taym kong gagawa ng blog. 'Di ko alam simulan. haha :)) Pero sabi nila magpakilala daw muna.


Eto na... ehem... ehem...

SINO AKO?

Hi! I'm Kristina Rei Canlas Mones, 19, PHILIPPINES!!!
TIN for short.
Hmm... estudyante. Third year college na. Accountancy. Diyan lang, sa may Holy Angel University. (Sana makapag-5th year :>)
True Blooded FAMILIAN.
Bespren ko chocolates. Boypren ko si Music.
Matakaw ako kapag nasa skul pero pagkauwi sa bahay, may anorexia nervosa ako. #lol
Hmm... I LOVE TRYING A LITTLE BIT OF EVERYTHING!

This is me,


Ganda ko diyan. Ako din nag-edit! Proud ako:)


Madami ako gusto gawin sa buhay ko. Grabe! Kadami kong pangarap. Pero sana, isa-isa, matupad. Lahat ng pangarap natin, tuparin natin! :D

My wanna be's...


Gusto ko maging singer/musician. Sa bahay lang ako nakakatugtog e. Sa kwarto lang venue ng concert ko. Sana makatugtog naman ako sa labas. Buksan ko pinto? hahaha





Gusto ko pa makasayaw. Sobra. Maniwala man kayo o hindi... tinry ko magtraining for Pep Squad nung Summer 2011 kasi gusto ko talaga makasayaw. :) 








I have to admit. Isa akong frustrated photographer. Sige na... kahit hobby lang talaga. Sana meron din ako nung kwintas na may pendant na mamamahaling camera. Ang saya lang lalo na pag smiling faces nakukuhanan mo and yung mga blessing na shinower sa atin ni Lord. NO PHOTOGRAPHS, NO MEMORIES. :) 

(Sana maging photoblog minsan itong blog ko.)


Panghuli... gusto kong... 


...mapa sa iyo. :"> Yun yun e! HAHAHA 

Wala na kasi akong ibang maisip na iba kung 'di IKAW e. Basahin mo blog ko ha? Pers taym ko pa man din. 


BAKIT NGA BA AKO NAG-BLOG?

E kasi, naiinip ako ngayong semestral break 2011. Pero actually, gusto ko na mag-blog before pa but I was worrying baka hindi ko ma-update. Thinking about it, di naman nga pala diary ito na araw-araw dapat may entry. So ayun, maybe I'll have new blog entries if I have something interesting to share or maybe kapag gusto ko lang talaga magsabi-sabi. 

TRIVIA: I keep short notes on my phone kapag may biglang realizations sa life.

'Pag tulala, nag-iisip isip ako ng kung anu-ano. I think this is one way by which I get to know myself better. (Hi Tin! I'm Tin! -- K. curnehh.) Sa sobrang kakaisip at sa sobrang dami na ng realizations, parang 'di na ata enough ang phone ko for notes. Napa-blog na rin ako.


ANONG LAMAN NG BLOG KO?

Kahit ano lang! Anything under the sun, moon and stars! Kahit anong ma-isip ko lalo na kapag naiinip. Based on my Blog tile: Sulating 'di Pormal: Kahit ano lang. Lalo na kapag naiinip. :)


Dapat flexible sa topics para maraming na-ttouch na lives. 


So there. I think I've said enough. To whoever reads or visits my blog, I encourage comments, suggestions, disagreements or criticisms para naman sa ikabubuti ng blog na ito. No foul words, please. Thank you!


Tulungan tayo sa topics, you like? Let's do this together! Para masaya. :)


I'll try to touch lives using this blog. God bless us all! 


#ekasinaiinipako :)